Inanunsyo ng Lebanese Islamic State Jihadist Group na napatay ang kanilang lider na si Abu Hasan Al-Hashimi Al-Qurashi sa isang sagupaan.
Tumanggi namang magbigay ng detalyadong pahayag ang tagapagsalita ng naturang grupo ngunit inihayag na si Hashimi ay napatay sa “sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng diyos.”
Pinangalanan naman si Abu Al-Hussein Al-Huseini Al-Qurashi bilang panibagong pinuno ng grupo.
Ang salitang Qurashi ay tumutukoy sa isang tribo ni Propeta Mohammed, kung saan ang mga pinuno ng is ay dapat mag-claim ng pinagmulan. – sa panulat ni Hannah Oledan