Kumpirmadong patay na ang dalawang mataas na lider ng terorismo sa Marawi City na sina Omar Maute ng Maute-ISIS at Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinugod ng mga sundalo ang gusali kung saan naroon sina Maute at Hapilon.
Nakumpirma aniya ng mga sundalo ang kinaroroonang gusali ng dalawang terorista mula sa isang babaeng hostage na nailigtas ng mga sundalo.
Sa kabila ng pagkamatay nina Hapilon at Maute, sinabi ni Lorenzana na hindi pa rin tumitigil ang opensibang ginagawa ngayon ng militar sa Marawi City.
Ayon kay Lorenzana, posibleng sa mga susunod na araw ay maideklara na nilang tapos na ang labanan sa Marawi City.
Hindi pa aniya ito puwede sa ngayon dahil halos 20 pang hostages ang nananatili sa kamay ng mga terorista at may mga hinahanap pa silang dayuhang kasabwat ng Maute.
—-