Desidido ang AFP o Armed Forces of the Philippines na madakip ang Abu Sayaf Leader at ISIS Emir sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon buhay man o patay.
Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, kumbinsido silang hindi susuko at hindi magpapahuli ng buhay si Hapilon kahit malaki na ang nabawas sa kanilang puwersa bunsod ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Giit pa ni Padilla, sadyang matigas si Hapilon kaya’t hindi pa rin ito bumibigay kahit pa tumagal aniya ng halos dalawang linggo ang bakbakan sa Marawi City.
Dahil dito, tiniyak ni Padilla na magtutuluy – tuloy ang opensiba ng militar hanggang sa madakip na si Hapilon upang matiyak na hindi ito muling makapaglunsad ng mga pag-atake sa Mindanao at hindi na maka-perhuwisyo sa mga inosenteng sibilyan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping