Nasa loob pa ng Marawi City ang emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa ulat na kanyang nakuha mula sa mga civilian asset ay nagtatago di umano si Hapilon sa isang mosque sa loob sa syudad.
May ulat rin aniya na may ilang Abu Sayyaf members na ang nakabalik sa Basilan mula sa pakikipaglaban sa Marawi ngunit hindi kabilang dito si Hapilon.
May limang (5) milyong dolyar na patong sa ulo ang naturang teroristang lider kaya naman maraming nagmamatayag sa kilos nito.
Samantala, nag-aaway-away na ang mga natitirang lider ng ISIS-Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Spokesman Lt Col. Jo-Ar Herrera, nagkakaroon sigalot ang mga ito dahil sa pag-aagawan sa kanilang mga ninakaw na pera at iba pang mga ari-arian at ang problema kung paano nila ito ilalabas sa nasabing syudad.
Kabilang sa pinagtatalunan ay ang mga pera na kanilang ninakaw sa tatlong bangko sa syudad.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera