Posibleng patay na ang itinuturing na lider ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.
Ayon kay Philippine Army 103rd Brigade Commander Nixon Fortes, huling nakita si Hapilon na lubhang sugatan sa nangyaring bakbakan sa Butig, Lanao del Sur noong nakaraang taon.
Matapos ito ay hindi na namataan pa si Hapilon at hindi na rin ito aktibo sa social media.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap kay Hapilon upang masigurong patay na nga ito.
Si Hapilon ay may patong sa ulo na limang (5) milyong dolyar at kabilang sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).
By Rianne Briones
Photo: FBI