Mayroong sapat na kuwarto sa mga isolation centers sa kabila nang pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Binigyang-diin ito ni DILG undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, kaya’t hindi dapat mag-home quarantine ang mga dinadapuan ng COVID-19.
Iginiit ni Malaya na ang hawahan ng virus ay nangyayari sa mga bahay at hindi lamang sa mga pagtitipon o trabaho kaya’t hindi sapat na mayroong sariling kuwarto at banyo ang isang infected.