Isinusulong ng Philippine Medical Association (PMA) ang pagkakaroon pa ng isolation facilities para sa mga mild cases ng COVID-19.
Sa katunayan ipinabatid sa DWIZ ni Dr. Benito Atienza, pangulo ng PMA na nakipag-partner sila sa DOTr para gawing isolation facilities ang mga barko na may tie up na rin sa mga ospital.
Mag-iinspeksyon na aniya sila sa mga nasabing barko sa susunod na linggo para maihanda na ang mga ito sa mga mild cases at ma decongest kahit paano ang mga ospital.
Sinabi ni Atienza na ikinakasa na ang pagkonekta ng mga barko sa PGH at Sta. Ana Hospital muna para pagmulan ng record ng mga pasyente. (PMA)
Yung mga barko ng 2Go yung ganun, magkakasya dito ang 300 to 500 na pasyente kasi ang maganda sa barko kompleto na ‘yan, may sariling toilet, may sariling bed, hiwa-hiwalay sila sa kwarto at ipo-provide ng grupo ang doktor, may magdu-duty doon then may mga nursing assistant na sila ang titingin doon sa mga mild cases. Itong mga mild cases na ito manggagaling sa mga emergency room ng mga different hospital, hindi ito yung grabe, ito yung mga bantayan lang,” ani Atienza.
Kasabay nito inihayag ni Atienza na pinag-aaralan din ang pagpapagamit ng isang hiwalay na barko para sa mga nurses, doctors at iba pang medical workers na mag-a-assist sa mga mild cases na nasa kalapit lamang ding mga barko.
May barko din na para doon sa mga health workers, para yung ginagamit doon sa mga health workers ay ma-isolate din sila from hospital ilalagay sila doon, yung mga mild case sa isang barko din,” ani Atienza.