Umaapaw na ang ilang isolation facilities sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pagbubukas ng bagong isolation facility ng Pateros na may 60 bed capacity, kulang pa rin ito para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Hindi lamang sa Metro Manila nangyayari ang kakulangan sa mga pasilidad maging sa ibang lugar rin sa buong bansa.
Ayon kay Deputy Implementer and National Task Force Against COVID-19 Sec. Vince Dizon, maraming isolation facilty na ang napuno kung saan maaaring gumawa ng bagong pasilidad o magbubukas ng dagdag na oplan kalinga hotel para madagdagan ang mga isolation facility.
Sa ngayon nasa kabuuang 72K na ang nasa isolation facilities sa buong bansa.
Samantala, nakatakda namang buksan ang 500 na bed capacity sa Subic pagkatapos ng Semana Santa.— sa panulat ni Rashid Locsin