Nasa full capacity na ang mga isolation facility ng lungsod ng Malabon.
Katunayan anim sa quarantine facilities ng lungsod ang puno na.
Dahil dito nagsasalo na ang mga magulang ng mga bata sa loob ng pasilidad.
Ayon sa ulat isang paslit ang kasama ng kanyang ina sa loob ng pasilidad na tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa Malabon LGU, ang mga nagpopositibong residente ay dinadala na sa mga pasilidad sa labas ng lungsod.
Samantala, pinaplantya na ng lokal na pamahalaan ng malabon ang pag-convert sa isang paaralan bilang isolation facilty.—sa panulat ni Rex Espiritu