Nagpaabot ng tulong ang embahada ng Israel sa mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas.
Kabilang sa mga donasyon na binigay ng Israel ay ang mga water purifier, apat na solar panels, mahigit dalawang libong kilo ng bigas, limang daang food at hygiene packs.
Ayon kay Israeli Ambassador Ilan Fluss, nasaksihan ng embahada kung paano winasak ng bagyong Odette ang mga kabahayan sa ilang mga lugar sa bansa.
Bukod dito, tinitingnan pa ng Israel kung ano pa ang maaari nilang matulong para sa rehabilitasyon ng mga sinalanta ng bagyo.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa Israel para sa tulong na ibinigay nito sa bansa.