Tinutulungan na ng spy services ng Israel ang France sa imbestigasyon ng mga pag-atake sa Paris na ikinasawi ng mahigit 100 katao.
Ayon sa Israeli Media, nakakita na ang kanilang intelligence operatives ng clear operational link sa pagitan nang pag-atake sa Paris, suicide bombings sa Beirut at pagpapabsagsak sa isang Russian airlines sa Egyptian Sinai nitong nakalipas na October 31.
Mahigpit nang minomonitor ng spy services ng Israel ang Syria at Iraq kung saan nakabase ang malaking puwersa ng ISIS para sa mga impormasyon hinggil sa Paris attacks.
By Judith Larino