Nagkasundo ang Israeli government at Palestinian militant group na Hamas na magkaroon ng apat na araw na tigil putukan.
Inaprubahan ng Israeli Cabinet ang kasunduan na papalayain ng Hamas ang nasa limampung katao na binihag nito, kapalit ng panandaliang tigil putukan sa pagitan ng militanteng grupo at Israeli forces.
Maaari ring tumagal pa ang ceasefire sa bawat dagdag na sampung hostage na papalayain ng Hamas.
Naiulat naman na kabilang sa kasunduan ang pagpapalaya sa isang daan limampung mga palestinong nakakulong sa Israel, at pagpapapasok ng tatlong daang truck na may kargang humanitarian supply kabilang ang gasolina araw-araw sa Gaza.