Uubra nang hindi magsuot ng face mask kapag lalabas ang mga Israeli.
Kasunod na rin ito nang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Israel sa gitna nang patuloy na mass vaccination.
Ayon sa health authorities ng Israel, 81% na ng mga residenteng may edad 16 pataas ay naturukan na ng dalawang dose ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.
Ipinapaalala pa rin ng mga otoridad ang pagsusuot pa rin ng face mask kapag nasa indoor public spaces.
Gayunman, limitado lamang ang mga dayuhang maaaring makapasok sa Israel at ang mga non-immune Israelis na bumabalik mula sa ibang bansa ay dapat magself-isolate dahil sa virus variants na maaaring humamon sa bakuna matapos ma-detect ng health ministery ang pitong kaso ng bagong Indian variant sa Israel na patuloy pang ina-assess.
Binigyang diin ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na nangunguna na sila sa mundo na nagtatagumpay kontra coronavirus subalit hindi pa aniya tapos ang laban nila rito dahil maaari pa itong bumalik.