Sinagot na ni 6 ang akusasyong nawalan ng ayuda ang 4 punto 3 Milyong benepisyaryo ng 4ps dahil sa ni-realign niyang budget.
Ayon kay Senator Marcos, inamin mismo ng dswd sa budget hearing noong Setyembre na 45% lang ng budget ng 4Ps ang nagamit o 3 buwan na lang ang natitira para ito ay gastusin.
Para maagapan na hindi ito maibalik sa National treasury, inirekomenda ng presidential sister na i-realign o ilipat ang balanseng 8 billion pesos sa ibang programa ng dswd na agad maipatutupad.
Ipinaliwang ni “Super ate” Na hinati-hati ang pondo sa supplemental feeding program, kapit-bisig laban sa kahirapan-comprehensive and integrated delivery of social services, quick response fund for disasters at assistance to individuals in crisis situation o aics.
Sa usapin naman ng 5 billion tapyas sa AICS, sinabi ni Senador Marcos na inirekomenda niya itong ipasok sa senate version pero inalis nang umakyat na sa BICAM committee dahil sa kawalan ng fiscal space matapos ang pandemya.
Iginiit ng mambabatas na dapat mapanatili ang badyet ng dswd dahil mahihirap ang mawawalan kung hindi maisasalba ang bilyones na balanse para sa 4Ps noon.