Dapat nang ituring na “thing of the past” kung anuman ang issue sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni dating U.S. President Barrack Obama.
Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na bago na ang administrasyon ng Estados Unidos.
Ayon kay Andanar, kitang-kita naman din kung paano magkasundo sina Pangulong Duterte at President Trump sa gala dinner noong Linggo.
Bukod sa bulungan, nagtatawanan pa aniya ang dalawang leader at halatang relax sa isa’t-isa at nakapag-usap nang hindi madalian.
Dagdag pa ni Andanar, game na game ang American President at maging sa mga cabinet secretary ay nagpaunlak ng selfie.