Panahon na para baguhin ng PNP o Philippine National Police at PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang tactical offense nito o istilo sa giyera kontra iligal na droga.
Binigyang diin ito ni Senador Panfilo Lacson matapos lumabas sa SWS Survey na bumaba ang bilang ng mga kuntento sa war on drugs at dumami ang nagpahayag ng pangambang posibleng sumunod sila na maging biktima ng summary killings.
Sinabi ni Lacson na nagsisimula nang umabot sa saturation point sa panig ng publiko ang ginagamit na taktika ng gobyerno sa paglaban sa iligal na droga.
Napapagod na aniya ang taumbayan sa pare-pareho at paulit-ulit na modus operandi ng summary killings sa pamamagitan ng riding-in-tandem at iba pang kahalintulad na paraan nang pagpatay sa drug suspects.
Ayon kay Lacson, ang dapat gawin ng PNP ay magpakita ng solusyon sa mga naitatalang kaso ng death under investigation.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno