Nagpapatupad umano ng istilong pang-gangster ang liderato ng Kamara.
Ito ang laman ng ipinadalang sulat-kamay na pahayag ni Senadora Leila De Lima dahil sa pananakot na tanggalan ng posisyon sa Kamara ang mga kongresistang bumoto kontra death penalty bill.
Sinabi ni De Lima, ngayong lusot na ang panukalang batas sa Kamara, isinusulong naman, aniya, ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagpapataw ng buwis sa mga religious academic institution.
Ayon sa nakakulong na Senadora, gumaganti ang Kamara sa pagbatikos ng simbahang katolika sa death penalty bill at extrajudicial killings.
Sinabi ni De Lima na kung gangster style ang pamamalakad sa mababang kapulungan ng kongreso, tiyak na gangster style din, aniya, ang paraan ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno