Masusi pang pag-uusapan ng DILG ang ikakasang mga strategy kontra delta variant ng coronavirus.
Ayon ito kay DILG Undersecretary Epimaco Densing kasunod ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maghigpit muli ng quarantine dahil sa delta variant.
Gayunman sinabi sa DWIZ ni Densing na ang mga binubuo nilang strategy ay naka-depende sa quarantine classification ng isang local government unit.
Para pag-usapan po namin itong istratehiya nitong para pigilan itong mass gathering at yung mga tao, wag basta-basta lalabas ng bahay magiging depende pa rin po ito sa community quarantine classification ng isang lokal na gobyerno. Halimbawa po ngayon ang biglaan po noong Biyernes inangat po into total lockdown o ECQ ang Iloilo Province, Iloilo City, Gingoog City sa Misamis Oriental at Cagayan De Oro kasi doon nakitaan ng bagong cases ng delta variant para malaman po ng ating mga kababayan na ito ang matagal ng pinipigilan na makapasok sa Pilipinas kaya po mahigpit an gating mga protocols sa mga umuuwing Pilipino galing sa ibang bansa,″ pahayag ni Densing.
Tiniyak ni Densing ang mahigpit na bilin sa local officials ng mga naka-lockdown na Iloilo Province, Iloilo City, Gingoog, Misamis Oriental at Cagayan De Oro City na mahigpit na magpatupad ng health and safety protocols matapos makapagtala ng mga kaso ng delta variant.
Malinaw po kinausap namin ang mga Mayor na ‘yan, nagpalabas nap o sila ng executive order na lalabas lang po ang kanilang kababayan para sa essential services,bibili ng pagkain, mga pangangailangan sa bahay at ang papayagan lang lumabas ay ang mga magtatrabaho doon sa tinatawag nating essential services so very limited po. Ang ating DSWD naman ay naghahanda na po ng kanilang assistance sa mga kababayan natin sa mga lugar na ‘yun,″wika ni Densing sa panayam ng DWIZ.