Ibinabala ng Health Ministry Office ng United Kingdom ang istriktong lockdown kasunod nang muling pagtaas ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito.
Muling umakyat ang UK sa pang-anim na puwesto sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamataas na kaso ng nasabing sakit kung saan halos 36,000 COVID-19 cases ang naitala sa nakalipas na magdamag.
Sa ngayon ay nasa mahigit 2-milyon na ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa UK.
Sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na dapat kanselahin ang pagdaraos ng mga aktibidad para sa pasko at hinihimok ang lahat na manatili lang sa bahay.
Ayon kay Health Secretary Matt Hancock, posibleng igiit nila muli ang ‘stay at home rule’ at pag-ban sa family gatherings matapos matuklasan ang bagong strain ng coronavirus na out of control.
Tinawag din ni Hancock na ‘deadly serious’ ang sitwasyon ngayon sa UK.