Kumpiyansa ang Malacañang na mapapatatag ng Pilipinas ang claim nito sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng antigong mapa ng Pilipinas na isusumite sa United Nations Arbitral Tribunal.
Ayon kay Preasidential Spokesperson Edwin Lacierda, magsisilbing basehan ng gobyerno ang naturang mapa sa pagkontra sa iginigiit na nine-dash line theory ng China.
Binigyang diin ni Lacierda na magbibigay ng historical basis ang naturang lumang mapa ng Pilipinas sa ipinaglalabang teritoryo ng Pilipinas.
Ang naturang mapa ay nabili ng negosyanteng si Mel Velarde sa isang auction sa London na nagkakahalaga ng P12 milyong piso.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)