Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian na dapat na suriin muna nang husto ng Departmemt of Justice ang isusumiteng listahan ni Janet Lim Napoles.
Sa gitna ito ng pahayag ng abogado ni Napoles na isisiwalat nito lahat ng iba pang mga politiko at opisyal ng gobyerno na sangkot o nakinabang sa PDAF Scam
Bukod dito, sinabi ni Gatchalian na dapat ay suportado ng mga konkretong ebidensya o mga dokumento ang mga isisiwalat nito bago ito payagan na makapagbigay ng testimonya
Giit ni Gatchalian, si Napoles ang sentro ng tinaguriang biggest scam sa bansa kaya’t malamang ay kaya nitong panindigan at pakitaan ng mga konkretong ebidensya ang mga tutukuyin nito na iba pang sangkot sa PDAF Scam.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno