Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa isyu ng bed capacity para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga ospital.
Ito’y upang pawiin ang pag-panic ng mga mamamayan sa mga ulat na puno na ng COVID-19 patients ang mga ospital.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dapat malaman ng taongbayan na 25% lamang ng mga pampublikong ospital sa NCR at 10% ng mga private hospitals ang nakalaan para sa COVID-19.
Inaksyunan na anya ito ng DOH sa pamamagitan ng pagtatatag ng matibay na referral system kung saan mayroon silang incident command na tatanggap ng report mula sa mga ospital kung ilang pasyente ang kailangang i-admit.