Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOJ o Department of Justice, PAO o Public Attorney’s Office at VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na maibibigay ang mga kinakailangang tulong para sa pamilya ng mga nasawing kabataang naturukan ng Dengvaxia.
Ito’y ayon kay PACC o Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Dante Jimenez makaraan ang naging pakikipagpulong nila sa Pangulo nuong araw ng Huwebes sa Malakaniyang.
Pinatututukan din ng Pangulo ayon kay Jimenez sa DOJ at PAO ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa naturang usapin na anito’y mas malala pa kumpara sa mga sinasabing extra-judicial killings na ibinabato sa administrasyon.
Kasunod nito, inatasan din ng Pangulo ang DOJ, PAO at VACC na huwag tanggihan ang mga lumalapit sa kanilang pamilya ng mga nasawi dahil sa Dengvaxia lalo na kung nais nilang ipasailalim sa autopsy ang labi ng kanilang mga ka-anak.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio