Iginiit ng Department of Foreign Affairs o DFA na hindi dapat pinupulitika ang isyu ng human rights sa Pilipinas.
Ito ang buod ng naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa ika-37 sesyon ng United Nations Human Rights Council sa Geneva.
Ayon kay DFA Undersecretary Ernesto Abella, binigyang diin ni Cayetano sa konseho ng UN na nakahanda ang Duterte administration na humarap sa mga imbestigasyon hinggil sa human rights records nito dahil giyera kontra droga.
Gayunman, dapat aniyang alalahanin na nalalagay rin naman sa alanganin ang karapatang pantao ng mga biktima ng drug traffickers at ang mga ito ang ipinagtatanggol ng Duterte administration sa kanilang giyera kontra droga.
—-