Ipinasa ng Malacañang sa kongreso ang isyu ng posibleng legalization ng same sex marriage sa bansa.
Kasunod na rin ito nang deklarasyon ng Korte Suprema sa Amerika hinggil sa legalidad ng same sex marriage sa buong Estados Unidos.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kailangan ng aksyon ng kongreso bagamat nais ng Pangulong Noynoy Aquino ang pantay na pagtrato sa lahat.
Gayunman, sinabi ni Valte na ilang legal experts ang nagpahayag na kailangang maamiyendahan ang batas para ma-legalize ang same sex marriage sa Pilipinas.