Umaasa ang Malacañang na matutuldukan na ang mga agam-agam at pagtutol sa isyu ng Marcos Burial ngayong nagdesisyon na ang Korte Suprema pabor sa pamilya Marcos.
Sa ipinalabas na pahayag ng tanggapan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng palasyo ang naging desisyon ng Korte Suprema na maihimlay na sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferndinand Marcos.
Panahon na, aniya, para umusad ang bansa at ipagpatuloy ang mapayapa, pantay, at patas na pagtulong ng sambayanan.
Matatandaang halos Tatlong (3) dekada ang hinintay ng pamilya Marcos para payagang mailibing ang dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping