Hinihintay na lang ng Malakaniyang ang magiging rekumendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III kung gagamitin pa o hindi ang kontrobersyal na bakunang “Dengvaxia”.
Ito’y makaraang pumalo na sa mahigit 100,000 ang naitalang kaso ng dengue sa buong bansa kung saan aabot na sa 400 ang nasawi sa nakalipas na pitong buwan ng 2019.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, posibleng matalakay ang nasabing usapin sa nakatakdang pagpupulong ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, Agosto 5.
Pagtitiyak pa ng kalihim, pakikinggan ng pangulo anuman ang magiging rekumendasyon ni Duque hinggil dito para agad matulungan ang mga nabiktima ng dengue.