Nagpasalamat si Former North Cotabato Governor Manny Piñol sa mga sindikato na nagsasagawa ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Piñol, isa ang tanim-bala sa mga dahilan para lalong makumbinsi si Duterte na tumakbo sa eleksyon pampanguluhan sa may 2016.
Sinabi pa ni Piñol na ang isyu ng tanim-bala sa NAIA ay ang tinutukoy ni Duterte na sobrang pag kastigo o pang aapi sa mga Filipino.
Aniya tinulungan sila ng mga sindikato na kumbinsihin si Duterte na sumabak na sa presidential election.
“Kaya kami’y nagpapasalamat doon sa mga author ng tanim bala pagka’t yung aming sigurong failure to convince Mayor Duterte to run, tinulungan kami ng mga sindikato para ipakita na kailangan talagang tumakbo si Mayor Duterte,” paliwanag ni Piñol.
By: Mariboy Ysibido I Ratsada Balita