Inaasahan ng Department of Education o DepEd na bababa ang bilang ng mga estudyanteng umiinom ng deworming pills na bahagi ng programa ng Department of Health o DOH ngayong buwan.
Ito ayon sa DepEd ay dahil sa kontrobersya sa anti-dengue vaccine na dengvaxia.
Sinabi ng DepEd na natatakot ang ilang magulang na painumin ng deworming pills ang kanilang mga anak dahil sa pangambang matulad sa mga kabataang umano’y namatay matapos mabakunahan ng dengvaxia.
Ilan anila sa mga magulang ay tutol na rin sa deworming program ng DOH bago pa man pumutok ang kontrobersyal sa dengvaxia.
—-