Hinamon ni dating Health Secretary Janette Garin si Health Secretary Francisco Duque III na sampahan ng kaso ang sinundan nitong si dating Secretary Paulyn Ubial.
Kasabay ito ng paninindigan ni Garin na walang naging iregularidad sa pagpapatayo ng DOH ng 5,700 mga barangay health stations sa buong bansa.
Pag-gigiit ni Garin kung nagkaroon aniya ng anomalya sa nasabing proyekto hindi na dapat pa ipinagpatuloy ng sumunod na administrasyon sa ilalim ni Ubial ang kontrata nito.
Aniya, sa pamamagitan ng mga naitayong barangay health stations natugunan ang mga problemang pangkalusugan sa mga rural areas sa bansa.
Kasabay nito, kinuwestiyon ni Garin ang motibo ni Duque sa pagpapalabas nito ng umanoy anomalya sa nasabing proyekto at sinabing kanyang ikinalulungkot na nagpapagamit na lamang ang kalihim para siraan ang nakaraang administrasyon.
—-