Mahigpit nang minomonitor ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior ang mga isyu kaugnay sa nagpapatuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Ayon kay Cheloy Garafil, Undersecretary at Officer-In-Charge ng OPS, katuwang ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay na siyang ahensiyang in-charge sa isyu.
Una rito, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isinama ng China sa kanilang Blacklist Tourist Destinations ang Pilipinas.
Binigyang-linaw naman ito ng embahada ng China sa Pilipinas at iginiit na misinformation lamang ang ulat.