Pinalagan ni dating Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang ulat ng Commission on Audit (COA) na mayroong cash deficit ang kanyang administrasyon na aabot sa P4.3-B.
Ayon kay Estrada, P10.3-B ang kanyang iniwang pondo sa Local Government Treasury batay sa sertipikasyon ni City Treasurer Josephine Daza.
Kaugnay nito, hinimok ni Estrada ang kanyang mga dating department head na makipag-ugnayan sa administrasyon ni Manila Mayor Isko Moreno at COA para maresolba ang isyu sa pondo ng lungsod.
Samantala, wala naman balak si Moreno na magsampa ng kaso laban kay Estrada dahil sa kabiguan nitong i-turn over ang mga opsiyal na dokumento para sa tamang transisyon.
Ayon kay Moreno, ayaw na niya ng dagdag intindihin sa buhay basta siya ay magtatrabaho na lamang.
Mahigit P140-M isyu sa pondo sa Maynila iniwan ni Erap
Mahigit P140-M mga unresolved transactions at unliquiated cash advances ang iniwan ni dating Manila City Mayor Joseph Estrada sa kanyang huling tatlong buwan sa pwesto.
Batay ito sa ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA).
Ayon sa COA, ang naturang halaga ay mula sa iba’t ibang transaksyon ng syudad ang hindi pa rin na re resolba simula noong Abril 1 hanggang sa matapos ang termino nito noong Hunyo 30.
Naniniwala naman si Manila Public Information Office Chief Julius Leonen na may dapat na ipaliwag ang nakalipas na administrayon sa naging isyu.
Bago ito, tinukoy ng COA na mayroong P4.39-B cash deficit ang iniwan ng administrayon ni Estrada sa city hall.