Pupulungin ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang mga miyembro ng komite para mapabilis ang pagdinig sa imepachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Umali, ilang mahistrado pa ng High Tribunal ang nakahanay na tumestigo.
Bukod dito, sinabi ni Umali na nais nilang balikan ang matagal nang nakabinbing isyu ng Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ni Sereno dahil sa nawawalang record ng Ombudsman at UP kung saan nagtrabaho noon ang Punong Mahistrado.
Posible aniya hindi naghain ng SALN noon si Sereno o kaya naman ay itinago ito.
Nais malaman ng komite kung ang tinanggap ni Sereno na bayad bilang abogado sa Philippine International Air Terminals Co. Inc. o Piatco case ay naideklara nito sa kaniyang SALN at kung nagbayad ito ng tamang buwis para rito.
—-