Patuloy na pinauunlad ng China ang mga nakontrol na nitong teritoryo sa pinag-aagawang karagatang sakop ng West Philippine Sea.
Ito’y ayon kay Center for Intelligence and National Security Studies Professor Rommel Banlaoi makaraang linawin nito na walang bagong teritoryong sinakop ang China sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Giit ni Banlaoi, pitong geographical features ng West Philippine Sea na nakapaloob sa kalayaan group of islands ang kasalukuyang may effective control ang China lalo na sa mga artipisyal na islang ginawa nito.
Dahil dito, sinabi ni Banlaoi na nagsisilbing balakid talaga ngayon sa pagkakaibigan ng Pilipinas at China ang usapin ng agawan sa teritoryo sa bahaging iyon ng karagatan.