Hinimok ni UP Political Science Professor Clarita Carlos ang militar at school officials ng unibersidad na daanin sa maayos na usapan ang pagresolba sa isyu ng umano’y red tagging.
Ayon kay Carlos, mabuting pagkakataon ngayon lalo’t nag-iba na ang tono ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at handa na itong makipag-usap sa mga opisyal ng unibersidad.
Maganda aniya kung sisimulan ang pag-uusap sa pagbibigay ng depenisyon ng ilang terminong iniuugnay sa UP graduates.
Gaya aniya ng komunista at red-tag ano nga ba aniya ang talagang ibig sabihin nito para sa kanila.
Hinikayat din ni Carlos ang mga paaralan na makipagtulungan o makipag-ugnayan at huwag namang lahatin aniya ang militar.