Isinalang sa oral arguments ng Korte Suprema ang voting receipt issue.
Si Solicitor General Florin Hilbay ang unang nag-prisinta timeline ng Commission on Elections sa eleksyon kung gagamit ng mga resibo.
Iginiit ni Hilbay na hahaba ng mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-11:30 ng gabi ang botohan at maaaring humaba pa kung magkakaroon ng aberya.
Subalit higit sa lahat, kung mapipitan ang COMELEC na mag-isyu ng resibo, tiyak anyang guguho ang lahat ng kumpiyansa ngayon ng komisyon na kakayanin nila ang magpatupad ng maayos, malinis at mapayapang halalan.
Demo
Nagsagawa naman ng demonstrasyon ang commission on Elections (COMELEC) sa harap ng mga mahistrado ng Korte Suprema.
Dalawang vote counting machines ang iprinisinta ni COMELEC Commissioner Robert Lim at mga kinatawan ng Smartmatic, ang isa ay isang VCM na walang kakayahang mag-isyu ng resibo at ang isa ay hardcoded para maipasok ang kakayahang mag-isyu ng resibo.
Sa unang makina, sinubukan ni Marlon Garcia ng Smartmatic ang magpasok ng balota na hindi masyadong namarkahan kaya’t inilabas ito ng VCM.
Subalit nang maisayos ang marka ng balota, agad lumabas ang on screen verification kung saan makikita ang mga ibinoto ng botante at nang i-ok ito ni Garcia ay binilang na ito ng mabilis ng makina.
Ganito rin ang kinalaban sa VCM na may kakayahang mag-isyu ng resibo subalit gumawa ng mga scenario si Commissioner Lim.
Tulad na lamang ng paggusot sa balota na naging dahilan ng paper jam.
Ipinaliwanag rin ni Lim na kakain ng maraming oras ang paggamit ng resibo dahil kailangang palitan ang ang papel ng VCM para sa resibo.
By Len Aguirre