Sesentro sa mga usapin ng terorismo gayundin sa iligal na droga ang magiging paksa ng pagpupulong nila Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Iyan ang inihayag ni Foreign Affairs Undersecretary Manuel Teehankee kasunod ng nakatakdang biyahe ng Pangulo sa nasabing bansa para dumalo sa BOAO forum sa Lunes, Abril 9.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na hindi kasama sa mga paksa ng pagpupulong ng dalawang lider ang usapin hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Matapos ang pagdalo ng Pangulo sa BOAO Forum, didiretso naman ito sa Hongkong para naman makipag-ugnayan sa Filipino Community duon para kumustahin at personal na alamin ang kalagayan ng mga OFW’S sa lugar.