Hindi na panghihimasukan ng Palasyo at ipauubaya na lamang sa Korte Suprema ang pasya hinggil sa inihaing motion for reconsideration ni Atty. Dino De Leon na nanawagang isapubliko ng Palasyo ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, nasa kamay na ng Korte Suprema ang pagpapasya hinggil sa isyu.
Nauna rito, humiling si Atty. De Leon sa Office of the President at kay Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil sa panawagang pagsasapubliko ng kalagayan ng kalusugan ng Pangulo, pero hindi ito pinagbigyan.
Samantala, tumugon naman si Secretary Roque sa ipinadalang sulat ni Atty. De Leon noong 16 ng Hulyo, at sinabing nasa 88% na maganda ang lagay ni Pangulong Duterte.