Tinuldukan na ng reyna ng pelikulang Pilipino na si Susan Roces ang isyung anak umano ng kanyang kapatid na si Rosemarie Sonora si Senadora Grace Poe kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Roces, hindi niya ipagkakaila kung tunay ngang anak ng kanyang kapatid si Poe ngunit ang problema ay hindi aniya talaga totoo ang naturang balita.
Ito ay dahil sa siguradong-sigurado si Roces na hindi buntis ang kanyang kapatid na kasama niya noong 1968 kung kailan ipinanganak ang senadora.
Ginawa ni Roces ang pahayag kasabay ng pag-iikot nito kasama si Poe sa Iloilo.
By Ralph Obina