Handa ang senado na aksyunan ang pakikialam umano ng isang senador sa mga Disqualification Case sa COMELEC ni presidential aspirant Bongbong Marcos sa oras na may maghain ng reklamo.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto, III na siyang naka-aalam sa ngayon ng pangalan ng senador na tinutukoy ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.
Ayon kay Sotto, sakaling may mag-file ng complaint sa ethics committee laban sa hindi pa pina-pangalanang senador, kailangan itong aksyunan.
Ang naturang kumite ay pinamumunuan ng isa pang presidential aspirant na si Senator Manny Pacquiao.
Tumanggi muna si Sotto na isiwalat ang pangalan ng senador na umano’y nakikialam para maantala ang pagpapalabas sa resolusyon sa mga Disqualification Case ni BBM. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)