Bumalik na sa dating sigla ang industriya ng Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO) sa bansa dahil sa recovery initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, naipakita ng pinakabagong employment data na nakabangon na ang IT-BPO industry mula sa Covid-19 pandemic.
Aniya, marami sa mga nalikhang trabaho ay mula sa nasabing industriya.
Matatandaang kamakailan lang, inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang employment data para sa buwan ng Oktubre kung saan naipakitang bumaba ng 4.2% ang unemployment rate sa bansa.