Hinimok ng information technology experts ang Commission on Elections (COMELEC) na palitan ang Smartmatic bilang technology provider ng ahensya at lumipat sa hybrid election system sa 2025 polls.
Ayon kay National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) chairman Augusto Lagman, ang sistemang ito ay mangangailangan ng manual precint counting para sa transparency at mabilis na automated canvassing.
Binigyang-diin ni dating Information and Communications Technology undersecretary Eliseo Rio, Jr. na mayroong katanungan tungkol sa kredibilidad ng halalan noong May 9 dahil hindi transparent ang pagbibilang ng mga boto sa presinto.
Bagama’t itinanggi ng mga eksperto ang sinasabing nangyari ang pandaraya, hinikayat nito ang COMELEC na magpalit ng bagong provider para maiwasan ang tanong tungkol sa kredibilidad ng mga susunod na eleksyon.