Ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng istruktura ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa isang sand bar sa West Philippine Sea matapos magreklamo ang China.
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magtatayo sana ang militar ng nipa hut sa isang bagong tubong sand bar malapit sa Pag-asa Island para magsilbing pahingahan ng mga mangingisdang Pilipino.
Gayunman, nang makita umano ng China ang mga bitbit na gamit ng mga sundalo sa nasabing sand bar ay agad itong inireklamo kay Pangulong Duterte.
Pinaalalahanan aniya ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang Pangulo na may kasunduan ang Pilipinas at China na hindi magtatayo ng kahit anong istuktura sa mga bagong isla o sand bar sa West Philippine Sea.