Patuloy na nakakaapekto ang Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ sa Mindanao samantalang umiiral naman ang easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang ITCZ ay magdudulot ng maulap na kalangitan na maaaring magdala ng pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Western Visayas.
Samantala, asahan namang papalo ngayong araw na ito sa 38 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City at 33 degrees Celsius naman sa Metro Manila.
—-