Asahan ang mahihinang pag-ulan at isolated thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, patuloy na nakaka-apekto ang Intertropical Convergence Zone sa Bicol region, Visayas, CARAGA, Northern Mindanao at Palawan.
Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa naturang mga lugar na mag-ingat sa posibleng malakas na ulan at hanging maaaring makapagdulot ng flash floods.
By: Ralph Obina