Magiging maulap na may kasamang kalat-kalat na buhos ng ulan ang lagay ng panahon sa mga lugar sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa tail-end ng Cold Front.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.
Pinapayuhan naman ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng maranasang pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, huli namang namataan kaninang alas-3 ng umaga ang sentro ng Bagyong ‘Ursula’ sa layong 335 kilometers, kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 150 kph.
Kumikilos ang Bagyong ‘Ursula’ sa direksiyong hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.