Muling maaapektuhan ng Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ ang bansa.
Dahil dito makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may pulo-pulong pagkidlat pagkulog ang buong Visayas.
Gayundin ang Zamboanga Peninsula, hilagang Mindanao, Caraga, Davao Region at Palawan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay patuloy na mararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may pulo-pulong pagkulog at pagkidlat.
By Mariboy Ysibido