Nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Kung kaya’t, magiging maulap ang kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa MIMAROPA, Bicol Region, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Aurora, Quezon, Northern Samar at Eastern Samar.
Makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
samantala, nagbabala ang pag-asa sa posibleng pagbaha at landslide sa mga nabanggit na lugar habang katamtaman hanggang malakas na alon ang iiral sa mga baybaying-dagat sa Extreme Northern Luzon.—sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon