Maapektuhan pa rin ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil dito makararanas ng maulap na kalangitan na mayroong mahina hanggang sa katamtaman na pag ulan at pulo-pulong pagkidlat pagkulog ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.
Ito rin ang magiging lagay ng panahon sa eastern at central Visayas gayon din ang Caraga, Northern Mindanao at Davao.
Iiral naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na mayroon pulo-pulong pagkidlat pagkulog sa nalalabing bahagi ng bansa.
By Mariboy Ysibido