Apektado ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang eastern Visayas at Mindanao.
Dahil dito, asahan na ang maulap na papawirin na may kasamang katamtamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Davao, Caraga, Bicol at eastern Visayas regions.
Posible namang makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na Chaba.
Huling namataan ang bagyo sa layong 860 kilometro, hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot 195 kilometers per hour at pagbugso na 240 kilometers per hour.
By Drew Nacino